Saturday, February 5, 2011

Emilio Jacinto


Isinilang si Emilio Jacinto noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa kolehiyo ng San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa UST ngunit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1893. sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan.
Kinilala siyang Utak ng Katipunan. Gumamit siya ng sagisag-panulat na Pingkian sa Katipunan. Itinatag niya ang pahayagang Kalayaan, ang pahayagan ng katipunan. Ito'y pinamatnugutan katulong si Pio Valenzuela. ang sagisag-panulat na kanyang ginamit ay Dimas Ilaw. Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan. Si Jacinto ay lubhang nasugatan ngunit pinakawalan dahil sa sakit na malaria at disenterya. siya ay binawian ng buhay sa Sta. Cruz, Laguna noong abril 16, 1899 sa edad na 24.

Soure : Wikipedia :"> 

Saturday, January 29, 2011

Andres Bonifacio :">


Si Andrés Bonifacio (Nobyembre 301863 - Mayo 101897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.
Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerksales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang itinatag. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang mangagawa ang pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may isang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.
Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 231896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga sedula.
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa TejerosCavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).
Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni Andrés Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaking si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo,1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya

Ang Katipunan para sa akin . . .

Ang Katipunan para sa akin ay napaka halaga sa ating kasaysayan... Ito ang nagpakita ng saysay sa buhay ng nga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol. Sila para sa akin  ang nagbigay ng inspirasyon.. Sila ang nagbigay ng pag-asa. Ang aking idolo ay si Andres Bonifacio , Dahil kahit kailan ay hindi siya sumuko. Siya ay nagpakita ng tunay  niyang galing , ipinakita niya ang dugong Pilipino, Lumaban siya ng buong puso. Siya ay ang tunay na bayani. Mabuhay ang mga Pilipino. Mabuhay ang Katipunan. \m/

All About KKK


The Katipunan was a Philippine revolutionary society founded by anti-Spanish Filipinos in Manila in 1892, which aimed primarily to gain independence from Spain through revolution. The society was initiated by Filipino patriots Andrés BonifacioTeodoro PlataLadislao Diwa, and others on the night of July 7, when Filipino writer José Rizal was to be banished to Dapitan. Initially, Katipunan was a secret organization until its discovery in 1896 that led to the outbreak of Philippine Revolution.
The word "katipunan", literally means association, comes from the root word "tipon", an indigenous Tagalog word, meaning "society" or "gather together".[2] Its official revolutionary name is Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan[1][3] (English:High and Honorable Society of the Children of the NationSpanishSuprema y Venerable Asociación de los Hijos del Pueblo). Katipunan is also known by its acronym, K.K.K..
Being a secret organization, its members are subjected to utmost secrecy and are expected to abide with the rules established by the society.[2] Aspirant applicants were given standard initiation rites to become members of the society. At first, Katipunan was only open to male Filipinos; later, women were accepted in the society. The Katipunan had its own publication, Kalayaan (Liberty) that had its first and last print on March 1896. Revolutionary ideals and works flourished within the society, and Philippine literature were expanded by its some prominent members.
In planning the revolution, Bonifacio contacted Rizal for his full-fledged support for the Katipunan in exchange for a promise of Rizal's liberty from detainment by rescuing him. On May 1896, a delegation was sent to the Emperor of Japan to solicit funds and military arms. Katipunan's existence was revealed to the Spanish authorities after a member named Teodoro Patiño confessed Katipunan's illegal activities to his sister, and finally to the mother portress of Mandaluyong Orphanage. Seven days after the Spanish authorities learned the existence of such secret society, on August 26, 1896, Bonifacio and his men tore their cedúlas during the infamous Cry of Balintawak that started the Philippine Revolution.